DOST-PCHRD, nasa final stage na ng paghahanda para sa pagsasagawa ng solidarity trial ng WHO para sa ilang gamot kontra COVID-19

Nasa huling yugto na ng paghahanda ang Department of Science and Technology- Philippine Council for Health Research and Development (DOST-PCHRD) at World Health Organization (WHO) para sa gagawing solidarity trial sa ilang gamot na makatutulong na malunasan ang COVID-19.

Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni DOST-PCHRD Exec. Director Dr. Jaime Montoya na isinasapinal na nila ang mga gamit na kakailanganin sa solidarity trial.

Sa katunayan, nakikipag-coordinate na sila sa Geneva para sa mga gamit na dadalhin dito sa bansa, gayundin para sa training ng healthcare workers at recruitment ng mga personnel na kalahok sa gagawing trial.


Sa ilalim ng WHO solidarity trial, sinabi ni Montoya na mahigit sa isang bakuna ang pinag-aaralan, base ito sa datos na ibinigay ng Epidemiology Bureau ng Department of Health (DOH) sa mga lugar na may mataas na kaso at may mga lugar na pinili ayon sa resolusyon ng Inter-Agency Task Force (IATF) para pagsagawaan ng pagbabakuna.

Sa ilalim din ng solidarity trial ay ang pamahalaan ang lilikha ng monitoring unit at gobyerno rin ang gagastos para dito.

Facebook Comments