DOST, planong magsagawa ng pag-aaral para sa mga single na lagpas na sa kanilang marrying age

Magsasagawa ang Department of Science and Technology (DOST) – National Research Council of the Philippines (NCRP) ng pag-aaral hinggil sa mga single na lagpas na marrying age o mid-30s.

Ito ay matapos mapansin ni DOST Secretary Fortunato Dela Peña na dumarami ang mga indibiduwal na nag-e-enjoy sa pagiging single.

Ayon kay Dela Peña, bagamat mayroong problema sa teenage pregnancy, tumataas naman ang single na lagpas na sa marrying age.


Nakiusap si Dela Peña sa NCRP na silipin ang dalawang social issues ngayong pandemya.

Isa dapat sa tinitingnan ay ang epektong polisiya sa edukasyon.

Dapat ding malaman kung paano nilalampasan ng mga tao ang kasalukuyanbg hamon sa ekonomiya.

Facebook Comments