Patuloy ang pagsuporta ng Department of Science and Technology Region 1 sa mga estudyante sa rehiyon sa kabila ng new normal sa kanilang pag-aaral.
Sinabi ni Armando Ganal, Regional Director ng DOST Region 1, umaabot sa limang daan dalawa ang bilang ng mga scholars sa Rehiyon kung saan ang pinakamarami ay lalawigan ng Pangasinan.
Sa kabuuang bilang ang Pangasinan mayroong 221 scholars, 110 naman mula sa Ilocos Norte, 92 La Union habang 54 mula sa Ilocos Sur at mayroong 25 na mula sa ibang Rehiyon na nag aaral naman sa rehiyon.
Sa ngayon, mayroong 37 scholars na magtatapos ngayong taon habang aabot naman sa 844 ang kabuuang bilang ng mga scholars ang nagtapos na sa ilalim ng kanilang scholarship programs.
Maliban dito ay marami pa ang mga programa ng DOST na makakatulong sa mga Pilipino ang binibigyan ng pansin kahit pa mayroong banta sa kalusugan na dulot ng COVID 19.