Kasabay nito, pinasinayaan rin sa loob ng Isabela State University Cauayan Campus ang SDG Center Blessing at ang Bamboo Textile Fiber Innovation Hub at nagsagawa rin ng ceremonial awarding ng Health Guard Adaptors.
Gayundin, dumalo rin si Dela Peña sa Hackathon Awarding Ceremony na dinaluhan ng lahat ng IT graduates at mga mag-aaral na may kursong Information Technology, sinundan rin ito ng Ceremonial Issuance of written Recommendation and TLA signing.
Ngayong umaga, inaasahang pangungunahan niya ang groundbreaking ceremony ng Swim Facility sa Isabela State University.
Nakatakda rin itong bumisita sa lalawigan ng Quirino para sa tingnan ang Water Bacteriology and Chemical Analysis Laboratory at ang paggawad naman ng Health Guard Equipment sa Quirino Provincial Medical Center.
Samantala, magtutungo rin ito sa Nueva Vizcaya State University para bisitahin ang mga proyekto gaya ng PCRDC new Genebank, Alcohol Facility, Upads project, at Sabatan and IP-TBM.
Nanguna rin ito sa awarding ng Philippine Science High School- CVC student na nanalo sa international competition.