Alert Level 3, itinaas sa Bulkang Taal

Itinaas na ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ang alerto ng Bulkang Taal.

Sa inilabas na 8:00 A.M. bulletin ng PHIVOLCS, mula sa Alert Level 2 na increasing unrest ay itinaas na ngayon ang Bulkang Taal sa Alert Level 3 o magmatic unrest.

Ito ay matapos na magkaroon ng maikling lived phreatomagmatic burst sa main crater ng Taal.


Sinundan ito ng patuloy na phreatomagmatic activity na naglalabas ng usok na may taas na 1,500 meters at volcanic earthquake.

Facebook Comments