Magsasagawa ng pag-aaral ang Department of Science and Technology (DOST) para sa estado ng nutrisyon ng mga naapektuhan ng sakuna.
Ayon kay DOST Secretary Fortunato Dela Peña, mangunguna rito ang Food and Nutrition Research Institute (FNRI) sa pakikipagtulungan ng Provincial Science and Technology Center sa Eastern Samar.
Layon ng pag-aaral na malaman ang sitwasyon ng nutrisyon sa mga lugar na apektado ng mga natural na kalamidad simula 2019 – 2020 hanggang sa COVID-19 pandemic.
Sa unang bahagi ng pag-aaral ay titignan ang lagay ng nutrisyon sa panahon ng emergency sa kasagsagan ng pandemya sa luzon.
Habang ang ikalawang bahagi ay tututok sa nutrisyon sa panahon ng emergency na nakaranas ng kalamidad tulad ng bagyo, lindol at pagputok ng bulkan noong huling qurarter ng 2019 at 2020.