HALOS 2K INDIBIDWAL, FULLY-VACCINATED NA SA BAYAN NG INFANTA

Umabot na sa halos dalawang libong indibidwal ang fully-vaccinated na laban sa sakit na COVID-19 sa bayan ng Infanta.

Ayon sa pinakahuling report ng Rural Health Unit COVID-19 Task Force August 20, 2021, nakapagtala na ng kabuuang 1723 fully-vaccinated individuals habang 2496 naman ang total ng nabakunahan ng kanilang first-dose COVID-19 vaccine. Samantala, nasa 3167 naman ang total doses na naiturok sa mga mamamayan dito.

Patuloy namang hinihikayat ang lahat na sumunod sa mga itinakdang health and safety protocols. Ayon pa sa RHU, dapat na iwasan ang matataong lugar at huwag nang lumabas kung hindi naman kinakailangan. Binigyang-diin din ang pagsusuot ng face mask tuwing lalabas at ugaliin ang paghuhugas ng mga kamay.


Facebook Comments