DOST, umaasang ipaprayoridad ng Senado ang panukalang magtatatag ng Virology Institute

Umaasa ang Department of Science and Technology (DOST) na ipaprayoridad ng Senado ang pagpasa ng batas na layong magtatag ng Virology Institute of the Philippines (VIP).

Ayon kay DOST Secretary Fortunato Dela Peña, umapela sila sa Senado na sundan agad ang ginawa ng Kamara na inaprubahan sa huling pagbasa ang House Bill No. 9559 o panukalang VIP Act.

Makakatulong ang VIP para mas humusay pa ang ating mga Pilipinong scientist.


Dagdag pa ni Dela Peña, mayroong mga local experts ang bansa na produkto ng scholarships at training.

Binanggit din ng kalihim ang Balik Scientist Program.

Ang VIP bill ay nailusot sa Kamara noong July 28, dalawang araw matapos itong ipinanawagan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ang Department of Budget and Management (DBM) ay maglalaan ng higit 283 million pesos para sa pagtatatag ng VIP.

Facebook Comments