Nilagdaan ng Department of Tourism (DOT) at Department of Labor and Employment (DOLE) ang isang Joint Memorandum Circular na naglalaman ng panuntunan para sa pagbibigay ng cash assistance at cash-for-work program para sa mga tourism workers na apektado ng pandemya.
Ayon kay Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat, ang mga tourism workers ang nagsisilbing life support system sa industriya ng turismo.
Nagpapasalamat sila kay Labor Secretary Silvestre Bello III sa pagpaprayoridad sa mga tourism workers.
Ang financial assistance at cash-for-work program ay patunay na pinapahalagahan ng gobyerno ang mga manggagawa.
Ang mga empleyado ng DOT-accredited tourism enterprises at Local Government Units (LGU)-licensed primary tourism enterprises na napatupad ng retrenchment o pansamantala o tuluyang nagsara ay maaaring mag-apply sa cash-for-work program, o mag-avail ng one-time financial assistance na nagkakahalaga ng ₱5,000.
Ang mga miyembro ng rehistradong Community-Based Tourism Organization (CBTOs) na apektado ng pandemya ay kwalipikadong mag-avail ng cash assistance at mag-apply sa cash-for-work program.
Nasa 7,951 DOT-accredited primary tourism enterprises at 8,433 LGU-licensed primary tourism enterprises ang makikinabang sa programa.
Nakasaad din sa guidelines sa kung paano maa-avail ng distressed DOT-accredited at LGU-licensed Tourism Guides ang cash assistance.