DOT: Austria at Pilipinas, nais pang palakasin ang tourism cooperation

Nais pang palakasin ang tourism cooperation ng Austria at Pilipinas.

Ito ang binigyang diin ng Tourism department sa paglalayon na maparami pa ang bilang ng mga turista sa bansa.

Ayon kay Tourism secretary Cristina Frasco, ang Austria ay kinikilala ngayon bilang emerging market sa Europa at maganda ang bilang ng mga turista kung saan nasa mahigit 13,000 ang naitala noong isang taon.


Kasabay nito ay naitala rin na ang Pilipinas ang pinakamalaking Asian community sa Austria na nasa 30,000 habang nasa 60,000 naman ang Filipino-Austrian blood.

Kasunod nito, nais ng ahensya na magkaroon ng Memorandum of Tourism Cooperation sa Austria na magpapalago ng turismo ng dalawang bansa kung saan magpapalitan ito ng kanilang best practices sa kultura, heritage at tourism.

Nais din nitong palakasin ang sustainable tourism frameworks at upskilling programs in hospitality, maging ang enhanced connectivity sa pagitan ng dalawang bansa.

Kung maaalala, inimbitahan ni Austrian State Secretary for Tourism Susanne Kraus-Winkler si Secretary Frasco para sa isang pagpupulong sa Vienna, Austria na tumatalakay sa sa pagpapalakas ng turismo ng dalawang bansa.

Facebook Comments