Ikinalugod ng Department of Tourism (DOT) ang naging desisyon ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) na papasukin na ang mga foreign nationals sa bansa na epektibo simula ngayong araw.
Sa Laging Handa public press briefing sinabi ni Tourism Sec. Bernadette Romulo-Puyat na handang handa na sila para dito.
Sa katunayan, nasa 222 mga banyaga ang nakatakdang dumating sa bansa ngayong araw.
Paliwanag pa ni Puyat, panahon naman na upang hayaang makapasok ang mga dayuhang turista sa bansa basta’t silay fully vaccinated at tatalima sa mga itinatakdang health protocols.
Ani ni Puyat, sa higit 2 taong nakasara ang ating borders sa mga international tourists nasa 1.1 milyong tourism workers ang apektado.
Malaking bagay aniya ito nang sa ganon ay makabalik na ang mga ito sa trabaho at upang sumiglang muli ang ating ekonomiya.