Dalawa pang rehab projects, binuksan sa Marawi City

Dalawang mahalagang public infrastructure projects ang binuksan sa Marawi City.

Ayon kay Task Force Bangon Marawi Chairman Secretary Eduardo del Rosario, kabilang dito ang pumping bridge sa Barangay Raya Madaya at Lilod Madaya Barangay Complex.

Ang naturang pumping bridge ay kabilang sa key infrastructures na nasira sa halos limang buwang bakbakan noong 2017 sa pagitan ng tropa ng gobyerno at ng Daesh-inspired terrorist group.


Ang Lilod Madaya Barangay Complex ay ang pang pitong barangay complex na naipatayo sa loob ng most affected area.

Bawat barangay complex ay mayroong sariling health station at madrasah.

Nasa 17 katulad na pasilidad sa loob ng ground zero ang target na matapos sa unang bahagi ng 2022.

Facebook Comments