Nais ng Department of Tourism (DOT) na luwagan na ang movement restrictions sa Metro Manila at mga kalapit na probinsya para mabigyan ng pagkakataon ang mga turista na makabiyahe bago matapos ang summer season.
Ayon kay Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat, itutulak nila na maibalik ang mga biyahe sa Metro Manila kapag binawi na ang Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) sa April 30.
Pero handang makinig ang DOT sa mga irerekomenda ng mga medical experts sa susunod na pulong ng Inter-Agency Task Force (IATF).
Sakaling magdesisyon ang IATF na panatilihin ang MECQ sa NCR plus sa Mayo, walang magagawa ang mga tourism enterprises na dumepende sa mga biyahero sa loob ng rehiyon.
Bukod dito, ang mga tourist attractions sa bansa ay apektado rin dahil sa kawalan ng turista pumupunta mula sa Metro Manila.