DOT, hinimok ang local officials ng Boracay Island na higpitan pa ang pagbabantay sa mass gathering sa isla

Kumikilos na ang Department of Tourism (DOT) para sa mas mahigpit na koordinasyon sa mga lokal na opisyal sa isla ng Boracay kasunod ng napaulat na insidente ng mass gathering sa isang kaarawan sa isla.

Ayon sa DOT, nais nilang matiyak ang mas mahigpit na pagpapatupad ng health at safety protocols ng mga local officials para mapigil ang mga mass gathering, tulad ng napaulat na “super spreader” event sa isla.

Binigyang diin ng ahensya na ang kaligtasan sa mga tourist destination tulad ng Boracay ay nakasalalay sa magkakatuwang na responsibildad ng gobyerno, mga miyembro ng komunidad, negosyante at mga bisita.


Nauna nang inilagay sa Enhanced Community Quarantine (ECQ) ang buong Barangay Balabag, habang ang Zone 1 at 7 ng Barangay Manoc-Manoc naman ay nilagay sa surgical lockdown noong Abril na magtatagal hanggang sa ika-14 ng Abril.

Kasunod na rin ito ng pagtaas ng mga kaso ng COVID-19 sa lugar simula noong Marso.

Sinasabing isang turista mula sa Luzon na bumisita sa kanyang kaibigan sa Boracay at dumalo pa sa isang party na siyang pinag-ugatan ng pagkalat ng sakit sa mga residente doon sa loob lamang ng isang linggo.

Facebook Comments