Nagsasagawa na ang Department of Tourism (DOT) hinggil sa kontrobersyal na party na inorganisa ng social media personality na si Tim Yap sa Baguio City.
Ito ay kasunod ng mga ulat na nilabag ng party ang COVID-19 protocols.
Sa statement, naglabas na ang ahensya ng Notice to Explain kung saan pinagpapaliwanag ang DOT-accredited accommodation establishment sa pagsasagawa ng party.
Humingi na ng paumanhin si Yap dahil sa mga nalabag ng protocol violations sa nangyaring party pero nilinaw niya na ang lahat ng guest ay na-test bago pumasok sa Baguio City.
Sinabi naman ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong na may isinasagawa na rin silang hiwalay na imbestigasyon hinggil dito.
Pero aminado si Magalong na dumalo sila ng kanyang asawa sa party matapos silang imbitahan ni Yap.
Maraming lumabag sa health protocols sa event lalo na ang mga partygoers na walang suot na face masks.
Depensa ni Magalong na nakasuot sila ng kanyang asawa ng face masks ng magpunta sila sa party at tinanggal lamang nila ito kapag kukuha ng pictures at kakain.
Gayumpaman, nagpaalala ang DOT sa publiko na sundin ang minimum health at safety standards at mga protocols sa mass gatherings at social events.
Babala ng DOT na posibleng suspindehin o bawiin ang accreditation ng mga establisyimentong lalabag sa mga patakaran ng pamahalaan.