DOT, ikinatuwa ang desisyon ng IATF na payagan nang lumabas ang batang edad 5 pataas

Ikinatuwa ng Department of Tourism ang desisyon ng Inter-Agency Task Force na payagan na ang mga batang nasa edad 5 taong gulang pataas na lumabas ng bahay.

Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat na bagama’t may ilang Local Government Units pa rin ang nag-aalangan sa desisyon ay malaking bagay na ito para sa turismo lalo na sa Metro Manila.

Inihalimbawa ni puyat ang Intramuros at Luneta Park sa lungsod ng Maynila kung saan kahit noon pa binuksan ang turismo ay hindi naman pwede ang mga bata.


Kasunod nito, sinabi ni Puyat na kakausapin niya si Metro Manila Development Authority (MMDA) Chairman Benhur Abalos para bigyang linaw kung ano ang mga pwede at hindi pwede sa bagong guidelines na inilabas ng IATF.

Samantala para naman kay Marikina Mayor Marcy Teodoro, pabor siya sa desisyong ito lalo na’t makakatulong ito sa mental health ng mga bata.

Ayon kay Teodoro, tinatayang nasa 200 playgrounds at parke sa lungsod ang bukas nang muli para sa mga bata at kanilang magulang.

Nananatili namang bawal para sa mga bata ang magpunta sa malls kahit pa mayroon ang mga itong outdoor spaces.

Facebook Comments