DOT, ipinanukala ang pagpapaikli ng quarantine period para sa mga balikbayan at OFWs

Makikipagpulong bukas sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno ang Department of Tourism (DOT) hinggil sa panukala nitong paikliin ang quarantine period para sa mga returning Overseas Filipino Worker (OFW) na kumpleto na sa bakuna kontra COVID-19.

Inihalimbawa rito ni Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat ang bansang Thailand na pinababa na lamang ang quarantine period sa pitong araw.

Sa kasalukuyan kasi, ang mga balikbayan at OFW ay dapat na manatili sa quarantine facility sa loob ng 10 araw at dagdag na apat na araw na home quarantine.


Makikipag-usap din ang DOT sa Department of Foreign Affairs (DFA) para sa verification system ng patunay na bakunado na ang isang biyahero, gayundin sa International Air Transport Association (IATA) para matiyak na hindi ito mapepeke.

Makakatuwang naman ng ahensya sa pagbuo ng guidelines para rito ang Department of the Interior and Local Government (DILG), National Bureau of Investigation (NBI) at Philippine National Police (PNP).

Facebook Comments