
Nagpaabot ng pagbati ang Department of Tourism (DOT) sa mga kapatid nating Muslim bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng Eid’l Adha.
Ayon kay Tourism Secretary Christina Frasco, magsilbi sanang simbolo ng kapayapaan, pagkakaisa at pagtutulungan ang paggunita ng “Feast of Sacrifice” ng mga kapatid na Muslim.
Ani Frasco, patuloy pa rin nilang palalawigin ang Halal-Muslim-friendly tourism destinations sa iba’t ibang bansa kasunod ng pagtitiyak na mapangalagaan ang kultura ng Muslim community.
Samantala, hiling naman ng DOT ang pagkakaisa pa rin sa lahat ng mga Pilipino para sa maayos na komunidad.
Facebook Comments









