Dating Cong. Arnolfo Teves Jr., nakatakdang humarap muli sa kaniyang arraignment sa susunod na linggo

Kinumpirma ng National Bureau of Investigation (NBI) at ni Atty. Ferdinand Topacio, isa sa mga abogado ni dating Congressman Arnolfo Teves Jr., na haharap muli sa korte si Teves para sa kaniyang arraignment.

Ito’y sa darating na Martes, June 10, alas-dos ng hapon na isasagawa sa Manila Regional Trial Court Branch 51.

Ang pagbasa ng sakdal kay Teves ay kaugnay sa 10 counts ng murder, 13 counts ng frustrated murder at 4 counts ng attempted murder.

Ayon kay Topacio, isa rin sa kakaharapin na arraignment ng kaniyang kliyente ay may kaugnayan sa kasong pagpatay kay Negros Oriental Governor Roel Degamo at iba pa noong 2023.

Matatandaan na kahapon ay nagpasok ng not guilty plea ang presiding judge ng Manila RTC matapos na manahimik si Teves sa kasong illegal possession of firearms and explosives.

Una nang sinabi ng kampo ni Teves, gayundin ng Department of Justice (DOJ), ang kanilang pag-asang magiging mabilis ang proseso ng paglilitis.

Facebook Comments