DOT, kinondena ang isang resort sa Batangas dahil sa paglabag sa IATF guidelines

Mariing kinondena ng Department of Tourism (DOT) ang panibagong social gathering na inorganisa sa isang tourism establishment sa Batangas nitong Lunes, December 7.

Ang nasabing mass gathering ay nadokumento sa pamamagitan ng video kung saan maraming tao ang walang suot na face masks, face shields at walang physical distancing sa Blue Coral Beach Resorts Inc. sa Barangay Laiya, San Juan, Batangas.

Ayon kay Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat, malinaw na paglabag ito sa guidelines na itinakda ng Inter-Agency Task Force (IATF) para sa mga lugar na nasa ilalim ng Ggeneral Community Quarantine (GCQ) kung saan bawal pa rin ang pagsasagawa ng parties.


Pinuri ng kalihim ang mga opisyal ng lokal na pamahalaan ng San Juan, Batangas sa pagsasagawa agad ng aksyon para i-revoke ang business permit at sampahan ng kaukulang kaso ang establishment.

Babala ng DOT na magsilbi itong halimbawa sa iba pang accommodation at tourism establishments sa Batangas at iba pang lalawigan sa bansa na nagbukas na ng turismo.

Facebook Comments