Posibleng makulong ang mga turistang mamemeke ng kanilang travel documents na ikinokonsiderang essential sa ‘new normal.’
Matatandaang anim na turista ang pumasok sa Boracay Island ang nahuli dahil sa pekeng RT-PCR test results at lumalabas na tatlo sa kanila ay positibo sa COVID-19.
Ayon sa Departm3ent of Tourism (DOT), hinimok nila ang mga biyahero na huwag pekein ang kanilang travel documents dahil mahaharap ang mga ito sa reklamong kriminal mula sa Local Government Units (LGUs).
Paalala pa ng DOT sa publiko, ang RT-PCR test para sa mga turistang manggagaling ng Metro Manila ay available sa Philippine General Hospital (PGH) sa halagang 900 pesos at Philippine Children’s Medical Hospital sa 750 pesos.
Ang DOT Boracay ay nakipagtutulungan na sa mga health authorities mula sa Munisipalidad ng Malay para sa contact tracing at monitoring ng mga nasabing turista, na naka-quarantine sa Aklan Training Center.