Nagpaalala ang Department of Tourism (DOT) sa publiko na responsibilidad ng bawat isa ang pagsunod sa health at safety protocol.
Ito ay matapos arestuhin ang ilang turistang nagpresinta ng mga pekeng RT-PCR test, ID at pagdaraos ng mass gatherings sa mga tourist destination sa iba’t ibang bahagi ng bansa.
Ayon sa DOT, inatasan na nila ang kanilang mga partner sa tourism industry na mahigpit na ipatupad ang mga health protocol at bigyan ng importansya ang kaligtasan ng mga turista, mga manggagawa at post community.
Kinakailangan anila na ang lahat ng turista, stakeholders, government agencies, Local Government Units (LGU), private enterprise tourism at ibang industry players ay magtulungan para sa mablis na pagbangon ng industriya ng turismo.
Facebook Comments