Pinaalalahanan ng Department of Tourism (DOT) ang mga opisyal at empleyado nito na panatilihin ang mataas na antas ng propesyunalidad.
Ito ang pahayag ng kagawaran matapos ipakilala ni Tourism Region 1 Director Jeff Ortega si dating Senador Bongbong Marcos Jr. bilang Bise Presidente ng bansa.
Sa statement, iginiit ng DOT na ang lahat ng empleyado ay dapat nananatiling sumusunod sa patakaran Civil Service Commission (CSC), lalo na sa pagpapahayag ng kanilang pananaw sa ilang isyu sa pulitika at panlipunan.
Kasalukuyang nakabinbin ang electoral protest ni Marcos laban kay Vice President Leni Robredo sa Presidential Electoral Tribunal matapos siyang matalo sa 2016 elections.
Facebook Comments