Pumalo sa halos 1.5 million dayuhan ang bumisita sa Pilipinas sa unang dalawang buwan ng 2019.
Ayon kay Tourism Undersecretary Benito Bengzon, Jr. mahigit 1.49 milyong turista ang bumisita sa bansa simula Enero hanggang Pebrero ngayong taon na mas mataas ng anim na porsyento mula sa 1.4 million tourists sa kaparehong panahon noong 2018.
Sabi naman ni Tourism Secretary Berna Romulo-Puyat, target nila ang 8.2 million tourists arrival hanggang matapos ang taon.
Nananatili ang Korea bilang top visitor market ng Pilipinas na sinusundan ng China, Amerika, Japan at Taiwan kung saan ang kanilang top destinations ay ang Manila at Cebu.
Facebook Comments