Mga bus terminal sa EDSA, mahigpit na babantayan ng MMDA

Tiniyak ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na mahigpit nilang tutukan ang sitwasyon sa mga bus terminal sa EDSA.

Ito ay sa gitna na rin ng inaasahang pagdagsa ng mga pasahero ngayong Semana Santa.

Ayon kay Coronel Bong Nebrija, commander ng MMDA Command Center, ipa-prioritize nila ang traffic management sa EDSA kung saan naroon ang apat napu’t anim na bus terminals.


Kasabay nito, nakiusap naman si Nebrija sila sa mga motorista, taxi at iba pang Public Utility Vehicles (PUVs) na sa likod lang ng mga bus terminal magsakay at magbaba ng pasahero.

Facebook Comments