DOT, nandidigang hindi pwedeng pasamahin ang quarantine at leisure facilities

Nagbabala ang Department of Tourism (DOT) sa mga hotel sa bansa na huwag mag-operate bilang quarantine facility at leisure space.

Ayon kay Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat, hindi pwedeng pagsabayin ang quarantine at leisure.

Nasa 13 accomodation establishments sa National Capital Region (NCR) ang binigyan ng authorization ng DOH na mag-operate bilang staycation hotel.


May ilang hotel operations ang gustong magsilbi bilang quarantine at staycation facilities pero hindi ito maaari dahil posibleng ito maging mitya ng pagkalat ng virus.

Giit ng kalihim, huwag nang matigas ang ulo at sundin ang ibinigay sa kanilang accreditation status.

Paalala pa ng DOT na sundin ang operational guidelines maging ang health at safety protocols na itinakda ng tourism at health departments para sa kanilang mga manggagawa at mga guest.

Ang mga hindi susunod ay posibleng ipasara.

Facebook Comments