Pilipinas, may pagkukulang pa rin para maprotektahan ang mga healthcare workers – WHO

Nananatiling kapos ang Pilipinas sa pagbibigay proteksyon sa lahat ng healthcare workers.

Ayon kay World Health Organization (WHO) Representative to the Philippines Dr. Rabindra Abeyasinghe, mula sa higit isang milyong tao ang nabakunahan sa bansa, 63% pa lamang dito ay mga healthcare workers.

Iginiit ni Dr. Abeyasighe na dapat fully protected ang lahat ng health frontliners para maalagaan ang mga pasyente.


Mahalaga ring masunod ang prioritization group para magamit ng husto ang mga bakuna.

Facebook Comments