DOT pinapurihan ang DILG sa ginagawa nitong inisyatibo

Welcome development para sa Department of Tourism (DOT) ang ginagawang inisyatibo ngayon ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na nag-aatas sa lahat ng Local Government Units (LGU) na tiyaking accredited ang lahat ng hotels, resorts, inns, at iba pang accommodation establishments sa Primary Tourism Enterprises (PTEs).

Sa Memorandum Circular No. 2019-17, ipinaalala ng DILG sa mga LGUs ang probisyon ng Republic Act No. 9593 o Tourism Act of 2009 kung saan ang mga accommodation establishments gayundin ang mga travel and tour agencies, tourist transport operators, tourism frontliners, convention and exhibition organizers ay required na kumuha ng akreditasyon sa DOT para magkaroon ng license o permit to operate.

Ang DOT Accreditation ay isang certification na ibinibigay sa mga tourism enterprises matapos makatugon sa ilang rekesitos tulad ng standards for operation of tourism facilities and services.


Nabatid na as of December 31, 2018, umabot sa 6,108 primary tourism enterprises at 772 secondary tourism enterprises ang accredited nationwide.

Facebook Comments