DOT, planong magkaroon ng expansion cruise ship portfolio ang Pilipinas

Layon ng Department of Tourism (DOT) ang pagkakaroon ng expansion cruise portfolio ang bansa.

Ito ang kinumpirma ng ahensya matapos na umabot sa mahigit 100 cruise ship ang bumisita sa mga isla sa Pilipinas noong 2023.

Ayon kay Tourism secretary Christina Frasco, ang mga cruise ship na ito ay dumaong sa mga cruise stop sa isla ng Buhawan, Cebu, Boracay at 30 discovered island destination sa bansa.


Nagpasalamat naman ang DOT sa mga Local Government Agency maging ang pakikipag partner nito sa Department of Public Works and Highways (DPWH) para sa reconstruction ng tourism road infrastructure project.

Samantala, may nakalaan namang higit 15 billion budget para maipagpapatuloy ang mga tourism road project ngayong taon.

Facebook Comments