Kulay maroon na ribbon, ipinamamahagi sa mga kawani ng Senado bilang pagtutol sa People’s Initiative

 

Namamahagi ngayon ng kulay maroon na ribbon dito sa Mataas na Kapulungan.

Ang armband na maroon ribbon ay itinatali sa kaliwang braso ng mga kawani dito sa Senado.

Ito ay pagpapakita ng suporta ng mga empleyado ng Senado sa mariin nilang pagtutol sa pekeng People’s Initiative na ang layunin ay lusawin ang Mataas na Kapulungan ng Kongreso.


Maging ang mga senador ay nagpalagay rin ng maroon armband sa kanilang braso.

Ayon kay Senator Sherwin Gatchalian, ito ay pagpapakita ng pagkakaisa ng Senado bilang isang institusyon at paggiit sa checks and balance gayundin ay pagpapakita ng kanilang protesta laban sa People’s Initiative.

Facebook Comments