DOT-PTV4 ADVERTISEMENT DEAL | Sabwatan at conflict of interest, lumabas sa pagdinig ng Senado

Manila, Philippines – Para kina Blue Ribbon Committee Chairman Senator Ricahrd Gordon at Senator Antonio Trillanes IV, malinaw na nagkaroon ng sabwatan at conflict of intrest sa kontrobersyal na advertisement deal sa pagitan ng Department of Tourism at PTV4.

Sa Senate hearing ay lumabas na 120-million pesos ang halaga ng kontrata, kung saan 75-million pesos ang napunta sa bitag media unlimited incorporated na pag-aari ni Ben Tulfo, habang kulang kulang 20-million pesos lamang ang napunta sa PTV4 at ang balanse ay hindi nairelease dahil nabunyag na ang isyu.

Sa hearing ay iginiit ni dating Tourism Secretary Wanda Teo na walang ilegal sa kotrata at dumaan ito sa tamang proseso.


Diin pa ni Teo, hindi niya alam na sa programang kilos pronto ng kanyang kapatid mapupunta ang malaking bahagi ng pondo dahil ang PTV4 ang nagdesisyon dito.

Paliwanag naman ni Ben Tulfo, hindi nya nabanggit sa kanyang kapatid na si Teo ang hinggil sa kontrata dahil hindi sila close at PTV4 naman ang kanilang kausap, hindi ang DOT.

Tumanggi din si Ben Tulfo na isauli ang perang kinita sa transaksyon dahil nagawa naman daw nila ang nilalaman ng kontrata.

Naghugas kamay naman si Erwin Tulfo dahil talent lang daw siya sa programang pinoproduce ng kapatid at wala syang naging parte sa kasunduan.

Pero ang kanilang paliwanag ay hindi pumasa kina Senators Gordon, Trillanes at Risa Hontiveros.

Ikinadismaya pa ni Senator Gordon, na sa halip na kumita ang PTV4 ay naging daan pa ito para kumita ang bitag media unlimited incorporated na bloctimer lang at ang programa ay pang-83 sa rating.

Facebook Comments