ITINAKDA NA | Kahilingan ng DOJ na maisailalim sa HDO si Peter Go Lim, didinggin na ng Makati RTC

Itinakda na ng Makati Regional Trial Court Branch 65 sa darating na Biyernes, August 17, dakong ala una y medya ng hapon ang pagdinig sa kahilingan ng DOJ na maisyuhan ng hold departure order si suspected drug lord Peter Go Lim

Kasunod ito ng paghahain kahapon ng DOJ ng Urgent Ex-Parte Motion for the Issuance of hold departure order laban kay Go.

Layon nito na matiyak na hindi na muli makakalabas ng bansa si Lim


Una nang kinumpirma ni Justice sec. Menardo Guevarra na lumabas ng bansa si Peter Go Lim noong Marso

Samantala, matapos makitaan ng probable cause ang kasong conspiracy to commit illegal drug trade laban kina Lim, Kerwin Espinosa, Marcelo Adorco at Ruel Malindangan..itinakda na ni Judge Gina Palamos sa August 28 dakong ala una y medya ng hapon ang arraignment, pre-trial at trial laban sa naturang mga akusado

Facebook Comments