Nag-Abiso ang Department of Tourism Region 1 na tangkilikin ang mga accredited services at establishments sa rehiyon para sa ligtas na bakasyon.
Iginiit ng ahensya na ang mga establisyimento, guides, transportation at services na accredited ng tanggapan ay dumadaan sa masusing inspeksyon upang matiyak ang quality standards bago mabigyan ng certificate.
Sa kasalukuyan, patuloy na isinusulong ng tanggapan na dagdagan pa ang DOT-Accredited establishments at tour guides dahil sa tumataas na tourist arrivals sa rehiyon.
Hinihikayat din na ireport sa awtoridad ang mga establisyimento na hindi pa accredited upang maging kaisa sa pag-angat ng turismo. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments