DOT, suportado ang vaccination passports

Pabor ang Department of Tourism (DOT) sa pagkakaroon ng vaccination passports lalo na kung makatutulong ito para mapabilis ang biyahe ng mga Pilipino.

Ayon kay Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat, suportado nila ang anumang hakbang na magsusulong na mapaluwag ang travel restrictions.

Dagdag pa ni Puyat, maraming airlines abroad ang nagsasabing tatanggap lamang sila ng mga pasaherong nabakunahan.


Ang vaccination passport ay isang patunay na ang isang indibidwal ay nabakunahan laban sa COVID-19 at kikilalanin ng ibang bansa.

Facebook Comments