DOT, target ang 600-K na turista para sa FIBA World Cup

Inaasahan ng Department of Tourism (DOT) ang 600,000 na turista sa nalalapit na FIBA World Cup 2023 na magsisimula na sa araw ng Biyernes, Agosto 25.

Ayon kay Tourism Secretary Christina Frasco, lumagpas na sa 2,200 ang bilang pa lamang ng participants sa naturang torneyo.

Para matiyak ang matagumpay na event, nakipag-collaborate nag ahensiya sa tourism consortium kabilang dito ang private stakeholders gaya ng Tourism Congress of the Philippines (TCP), Philippine Tour Operators Association (PHILTOA) and Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority (TIEZA).


Nakatuon ang kolaborasyong ito sa pagbalangkas ng tour packages para sa FIBA World Cup na magaalok ng mga diskwento pareho para sa mga lokal at dayuhang bisita para mahimok ang mga ito na i-explore ang tourist spots ng Pilipinas maliban sa panonood ng mga laro sa FIBA.

Maaaring makita ang tour packages nito sa pamamagitan ng discoverphilippines.travel.

Una rito, ang FIBA World Cup ngayong taon ay ihohost ng Pilipinas kasama ang Japan at Indonesia na magtatagal hanggang Setyembre 10.

Gaganapin ang torneyo sa Philippine Arena sa Bulacan,Smart Araneta Coliseum sa Quezon City at Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Facebook Comments