PNP, nagpaabot ng pakikiramay sa pagpanaw ni DMW Secretary Toots Ople

Taos pusong nakikiramay ang Philippine National Police (PNP) sa pagpanaw ni Department of Migrant Workers (DMW) Secretary Susan “Toots” Ople.

Sa statement ng PNP, sinabi nilang maraming napahanga sa adbokasiya ng kalihim na masigasig na nagtataguyod sa kapakanan ng mga manggagawa kaya kinikilala ito hindi lamang ng mga labor groups sa bansa kundi maging sa ibayong-dagat.

Nagpahayag din ng paghanga ang Pambansang Pulisya sa mga programang inumpisahan nito sa DMW na nagbibigay benepisyo sa mga Overseas Filipino Workers (OFWs).


Nagbigay anila si Secretary Toots ng inspirasyon sa hanay ng kapulisan na paglingkuran ang sambayanan ng buong puso.

Kahapon, inanunsyo ang pagpanaw ng kalihim sa edad na 61.

Si Ople ay una nang itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa bagong binuong opisina na DMW.

Facebook Comments