Kumpiyansa ang Department of Tourism (DOT) na kayang pantayan o higitan pa ang tourist arrival target nila ngayong taon.
Ayon kay Tourism Undersecretary Shereen Yu-Pamintuan na nitong Setyembre 19 lamang ay nagtala na sila ng nasa 3.8 milyon arrival ngayong taon.
Ang nasabing bilang ay kulang ng isang milyon para makamit ang 4.8 milyon tourist arrivals ngayong 2023.
Naniniwala ito na sa pagdating ng holiday season ay tiyak na maraming mga turista ang bibisita sa bansa.
Ilan sa mga pagbabagong ipapatupad naman ng ahensiya ay ang paglalagay ng mga emergency baywatch facilities sa mga pangunahing beaches sa bansa.
Sa nasabing kaparaanan ay agad na mayroong titingin sa anumang sakuna na maaring kaharapin ng mga turista.
Facebook Comments