OTS security screening officer na lumunok at nagnakaw ng U$300 sa pasaherong Chinese, sinibak na sa pwesto

Iginiit ni Office for Transportation (OTS) Security Chief Usec. Mao Aplasca na ni-relieve na ang babaeng security screening officer na sangkot sa pagnanakaw ng U$300 sa isang pasaherong Chinese national na papaalis sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1.

Ayon kay OTS Usec. Mao Aplasca, malinaw ang kuha ng CCTV camera na kanilang naging batayan para mapatunayan ang sumbong ng pasahero sa pagkawala ng kanyang pera sa wallet nang dumaan sa final security check.

Hindi pinangalanan ang 28 years old na OTS personnel dahil may gagawin pa silang follow up investigation upang matukoy kung sinu-sino ang mga kasabwat sa naturang modus.


Una nang itinago ng OTS ang nangyaring nakawan na kinasasangkutan ng ilang OTS screening officer subalit pumutok ang nasabing isyu matapos magsalita sa NAIA In-house Media ang ilang kawani ng OTS dahil pati sila hindi na natutuwa dahil laging nadadamay ang kanilang kagawaran sa mga kagagawan ng tiwaling mga kasamahan.

Facebook Comments