DOT, umaasang makakapasyal na ang mga dayuhang turista sa bansa ngayong taon

Umaasa ang Department of Tourism (DOT) na maaring buksan para sa foreign tourists ang bansa ngayong taon, lalo na ang mga nabakunahan laban sa COVID-19.

Ayon kay Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat, bagamat wala pang malinaw na timeline, target nilang tumanggap ng foreign arrivals ngayong taon.

Kasunod na rin ito ng pagpayag ng pamahalaan na papasukin ang mga bumibisitang overseas Filipino workers (OFWs).


Bagamat pagdedesisyunan pa ito ng Inter-Agency Task Force (IATF), sinabi ni Puyat na sisigla ang domestic tourism kapag ibinaba sa modified general community quarantine ang buong bansa.

Binigyang-diin ni Puyat ang pag-restart ng turismo at pagkonsidera sa libu-libong manggagawa sa industriya na nawalan ng trabaho.

Facebook Comments