Pag-aangkat ng Pilipinas ng poultry products sa Czech Republic, ipinahinto muna dahil sa bird flu

54

Naglabas ang Department of Agriculture (DA) ng temporary ban sa pag-aangkat ng  poultry products sa Czech Republic kasunod ng outbreak ng avian virus.

Batay sa report ng World Organization for Animal Health, mayroong outbreak ng H5N8 highly pathogenic avian influenza virus sa Dlouhalhota, Tabor, Jihocesky.


Sa memorandum order na inilabas ng Office of the Secretary, sakop ng import ban ang mga domestic at wild birds kabilang ang poultry meat, day old na sisiw, mga itlog nito at semilya.

Sa ilalim ng temporary ban, pinasususpinde ni Agriculture Secretary William Dar ang pagpoproseso at evaluation ng application, at issuance ng sanitary at phytosanitary import clearance.

Ang mga kargamento ay haharangin at kukumpiskahin ng DA veterinary quarantine officers sa lahat ng major ports of entry sa bansa.

Facebook Comments