Wala pang natatanggap na anumang protocol violations ang Department of Tourism (DOT) sa mga ‘staycation hotel.’
Ang staycation ay leisure activities na may kinalaman sa overnight stay sa isang accommodation establishment na hindi ginagamit bilang COVID-19 quarantine facility.
Ayon kay Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat, umaasa sila na patuloy na tatalima ang mga staycation hotels sa mga patakaran at panuntunan ng ahensya para na rin sa kaligtasan ng kanilang mga bisita at mga empleyado.
Umaasa rin si Puyat na madadagdagan ang bilang ng mga nag-o-operate na star-rated hotels sa susunod na buwan lalo na at papalapit na ang Pasko.
Sa ngayon, mayroong 28 DOT star-rated hotels sa Metro Manila, 16 dito ay five-star at 12 ay four-star.
Nire-require ng DOT sa mga accommodation establishments na magpatupad ng contactless at cashless transactions para magkaroon lamang ng physical contact sa pagitan ng staff at guests.
Bukod dito, kinakailangan din nilang mag-develop ng staycation packages na angkop sa kasalukuyang market demands at conditions.