Capiz Bishop Jose Advincula, na-promote bilang Cardinal

42

Nagtalaga si Pope Francis ng 13 bagong cardinal, kabilang ang Pilipinong Archbishop na si Jose Advincula ng Capiz.

Si Advincula ay isinilang noong March 30, 1952 sa Capiz at naging pari noong 1976.


In-appoint siya bilang San Carlos Bishop noong 2001 at Archbishop ng Capiz noong 2011.

Si Advincula ang ika-siyam na cardinal sa Pilipinas, sinundan niya sina cardinals Orlando Quevedo, Luis Antonio Tagle, Gaudencio Rosales, Jose Sanchez, Ricardo Vidal, Jaime Sin, Julio Rosales at Rufino Santos.

Facebook Comments