DOTr at DICT, isinama na bilang miyembro ng NDRRMC; Malacañang, naglabas ng mga pangalan ng mga bagong appointees ni Pangulong Duterte

Manila, Philippines – Inilabas ng Palasyo ng MalacaƱang ang Executive Order Number 32 na nag-uutos na isama ang Department of Transportation at Department of Information and Communication Technology bilang mga miyembro ng National Disaster Risk Reduction and Management Council.

Hindi kasi kasama ang dalawang departamento sa NDRRMC dahil ang mga ito ay resulta ng paghihiwalay ng DOTC na ngayon ay DOTr na kaya mayroong pangangailangan na isama ang DOTr at DICT para maging pormal ang kanilang pagiging miyembro ng NDRRMC.

Samantala, bukod sa pagkakatalaga ni Pangulong Duterte kay Justice Adres Reyes Jr. bilang bagong Supreme Court Associate Justice ay itinalaga din ni Pangulong Duterte sina Raul Lambino Bilang Administrator at Chief Executive Officer na may Cabinet Rank ng Cagayan Economic Zone Authority.


Itinalaga din naman ni Pangulong Duterte si Eduardo Del Rosario bilang Chairperson ng Housing and Urban Development Coordinating Council.
tags: RMN News Nationwide The Sound of the Nation, Luzon, Manila, DZXL, DZXL558

Facebook Comments