DOTr, deadline ng franchise consolidation wala nang palugit

 

Muling nanindigan ang Department of Transportation (DOTr) na wala nang palugit ang deadline ng consolidation para sa mga pampasaherong jeep.

Kasabay ito ng pagtatapos ng deadline ngayong araw kung saan may hanggang isang buwan na lamang ang mga lumang jeep na bigong mag-consolidate para makabiyahe.

Sa datos ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), 33 porsyento pa lamang ng mga jeep ang nakapag-consolidate sa National Capital Region (NCR).


Bilang solusyon, maglalabas ng special permit ang LTFRB sa mga rutang maaapektuhan ng kakulangan ng mga bibiyaheng jeep.

Samantala, kahit hanggang ngayong araw na lamang ang deadline ay umaasa pa rin ang transport group na PISTON na babawiin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., ang deadline.

Noong Biyernes, sanib puwersang nagsagawa ng kilos protesta sa Maynila ang PISTON at Manibela para tutulan ang deadline.

Isa sa inaasahan na lang ngayon ng mga hindi pa nakapag-consolidate na mga tsuper at operator ang desisyon ng Korte Suprema sa petisyon na ihinto ang Public Utility Vehicle (PUV) modernization program.

Facebook Comments