New Year message ni PBBM, “Mga Pinoy dapat magtulungan para sa hinaharap”

 

Hinimok ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., ang mga Pilipino na makiisa sa pagbuo ng magandang kinabukasan para sa bansa.

Sa mensahe ng pangulo sa pagsalubong sa Bagong Taon, hinikayat niya ang bawat isa na ipagpatuloy ang paggawa ng mabuti, panatilihin ang volunteerism at compassion sa isa’t isa para sa pag-unlad ng Pilipinas.

Umaasa rin si Pangulong Marcos Jr., na magiging maganda ang simula ng Bagong Taon para sa bawat isa.


Ayon pa sa Pangulo, dapat magkaisa ang mga Pilipino para sa pinapangarap na Bagong Pilipinas na isang mapayapa, maunlad at masaganang bansa.

Facebook Comments