DOTr fuel subsidy, pinalawig din hanggang May 31, 2020

Inihayag ni Transportation Secretary Arthur Tugade na pinalawig din ang fuel subsidy ng Department of Transportation (DOTr) hanggang May 31, 2020 ngayong taon.

Ito’y matapos isailalim ang Metro Manila sa Modified Enhances Community Quarantine (MECQ) hanggang katapusan ng Mayo.

Ayon kay Tugade, ang Phoenix Petroleum, CleanFuel at Petron ang magiging katuwang ng DOTr para sa nasabing programa.


Ang fuel subsidy ng nasabing ahensya ay para sa private buses na nagbibigay ng free ride para sa mga health worker sa buong bansa na apektado ng suspension ng mass transportation dahil sa pagpatupad ng Enhanced Community Quarantine (ECQ).

Mula nang ipatupad ang Free Ride for Health Workers noong March 18, 2020, umabot na ang total ridership ng 770,464, mula sa nasabing bilang 158,964 ay mula sa National Capital Region (NCR).

Habang 611,500 naman ang bilang ng drivers mula sa labas ng Metro Manila.

Facebook Comments