Tiniyak ngayon ng Department of Transportation (DOTr) na handa ang mga pampublikong transportasyon sa inaasahang pagbugso ng mga magbabalik trabaho sa Lunes.
Kasunod na rin ito ng pagsasailalim sa Metro Manila sa General Community Quarantine (GCQ), simula sa Lunes, June 1, 2020.
Sa press briefing ngayong umaga, sinabi ni DOTr Secretary Arthur Tugade na magiging gradual, calculated at partial ang gagawin nilang proseso sa pagdagsa ng mga pasahero.
Ayon kay Tugade, bukod sa mga bus augmentation, gagamitin na rin ang mga bagong tren kaya asahan na ang mabilis na biyahe sa LRT2, MRT3 at PNR.
Facebook Comments