Kim Chiu, trending na naman sa social media dahil sa bagong kumento

5121

Muli na namang umani ng iba’t ibang reaksyon sa social media ang video ng nakakalitong sagot ni Kim Chiu sa latest interview niya na lumabas sa kanyang network.

Sa puntong ito, gusto sanang ipaliwanag ni Kim kung paano naging positibo ang kanyang pananaw pagkatapos siyang atakihin ng mga bashers sa kanyang nakalilitong komento noon kung saan ay inihalintulad niya ito sa isang classroom na may batas.


Ngayon naman, sinabi ni Kim na “para siyang nabuhayan na tayo ýung natayo, para siyang umikot, not 360”.

“360 na parang dito tayo, punta tayo dito”.

Dahil dito ay marami na naman ang naguluhan sa kanyang sinabi.

Kung matatandaan ay naging viral ang magulong explanation noon ni Kim tungkol sa bawal lumabas kung saan umani ito ng pamba-bash sa social media.

Nagtrending ito at ginawan ng maraming memes hanggang sa nai-release ang kanyang kanta na classroom song na agad din naging certified hit sa Youtube.




Facebook Comments