Dismayado si DOTr Assistant Secretary Alberto Suansing sa kinakalabasan ng puv modernization program ng gobyerno.
Ayon kay Asec Suansing, nababagalan siya sa pagtatrabaho ng mga transport agencies na mahikayat ang iba’t-ibang grupong pang-transportasyon na mag moderno ng kanilang sasakyan.
Aniya, wala pang 30 percent ang mga bagong players sa programa gayong naka-tatlong taon na ang implimentasyon ng programa.
Dagdag ni suansing na hindi pa kasama rito ang iba pang public utility vehicles na kailangang gawing moderno tulad ng mga bus at UV express.
Sa panig naman ni Liga ng Transpotasyon at Operators President Lando Marquez na walang sariling pondo ang puv modernization para maalalayan ang mga maliliit na opereytor.
Mungkahi niya na panahon na para magpasa ang Kongreso ng public transport consumers tax.
Ito ay pwedeng kuhanin sa kinokolektang buwis sa mga produktong ginagamit sa araw-araw ng public transport.
Giit ni Marquez, kung kayang pondohan ang 4ps ay hindi malayong gawin ito sa transport modernization.
Dapat din aniyang magpatawag ng isang public transport summit upang maipaliwanag ang puv program sa bawat rehiyon.