DOTr, hinikayat ang pribadong sektor na magbigay ng transport service sa mga manggagawa sa gitna ng GCQ

Humiling ang Department of Transportation (DOTr) sa mga pribadong kumpanya na magbigay ng transportation services sa kanilang mga manggagawa lalo na at limitado pa rin ang pampublikong sasakyan sa ilalim ng General Community Quarantine (GCQ).

Ayon kay Transportation Secretary Arthur Tugade, mahalagang magbigay ng shuttle services sa mga manggagawa.

Binigyang diin ni Tugade na ang pagkakaroon ng balanse sa pagbibigay ng transportasyon para maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.


Sa datos ng Department of Trade and Industry (DTI), 99.52% ng kabuuang 1.003 million business establishment sa bansa nitong 2018 ay micro, small at medium enterprises.

Facebook Comments